MAGPAPATUPAD ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng power interruptions sa ilang bahagi ng Samar bukas, Feb. 18.
Maaapektuhan ang Samelco I (Carayman and San Agustin Substations), simula alas sais ng umaga hanggang alas siyete ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas sais ng gabi.
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Apektado rin ang Samelco II (Arado and Catbalogan Substations), simula alas sais ng umaga hanggang alas siyete ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas sais ng gabi.
Bunsod ito ng transmission line preventive and corrective maintenance activities sa kahabaan ng Calbayog – Bliss 69-Kilovolt Line.
Ang mga eksaktong lugar na maapektuhan ay tutukuyin ng electric cooperative. Tiniyak naman ng ngcp na gagawin nila ang lahat upang agad maibalik ang kuryente, o alinsunod sa schedule.
