IPINATUTUPAD ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Eastern Visayas (LTFRB-8) ang mas mahigpit na safety standards kasunod ng aksidente na kinasangkutan ng isang pampasaherong van na ikinasawi ng apat katao.
Sinabi ni LTFRB-8 Director Gualberto N. Gualberto na ongoing ang inspections, compliance reviews at agency coordination para palakasin ang safeguards at mabawasan ang panganib na dulot ng insidente.
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Bagong rehabilitation center, binuksan sa Albuera, Leyte
DSWD-8, naghahanda para sa 3.49 billion pesos na social pension ng senior citizens
Ginawa ng ahensya ang pahayag makaraang isang van ang bumangga sa likurang bahagi ng 10-wheeler truck na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Barangay Balud sa Basey noong Feb. 10.
Apat ang nasawi sa naturang aksidente, kabilang ang driver ng van.
Sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng Tacloban City-Based na Duptours Shuttle Services Inc. na may-ari ng van sa loob ng tatlumpung araw.
Bilang additional safeguard, inatasan ng LTFRB ang operator na isailalim ang lahat ng franchise drivers sa mandatory testing sa accredited facilities ng Department of Health.
Obligado rin ang drivers at management staff na dumalo sa accredited road safety seminar na nakatutok sa defensive driving, risk prevention, at operator accountability.
