SUGATAN ang Chief of Police sa bayan ng Jipapad, Eastern Samar makaraang saksakin habang nasa loob ng Police Station noong Lunes, Sept. 23.
Nagtamo ng sugat sa kaniyang kamay at tagiliran si Lt. Norben Carbonera matapos atakihin ng suspek na si Ariel Ada.
ALSO READ:
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Environmental impact ng ‘Unity Roads’ sa Samar, tiniyak na maliit lang
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
Nakaupo lamang sa lobby ng police station si Carbonera nang dumating ang suspek na armado ng kutsilyo.
Ayon kay Col. Reynard Chua, nang makita ng pulis na si Senior Master Sergeant Brian Cainoy ang insidente ay pinaputukan nito si Ada na ikinasawi nito.
Ligtas naman na ang kondisyon ni Carbonera sa ospital sa Northern Samar matapos siyang sumailalim sa operasyon.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa pag-atake.
