23 October 2025
Calbayog City
Overseas

South Korea, nag-deploy ng sniffer dog para mag-screen ng bedbugs kasunod ng Paris Games

NAG-deploy ang South Korea ng bedbug sniffer dog sa Incheon International Airport upang mabawasan ang peligro na makapasok sa bansa ang mga surot, sa pagdating ng mga atleta, opisyal, at fans sa kanilang pagbabalik mula sa Paris Olympics.

Nangunguna sa kampanya ang dalawang taong gulang na beagle na si “Ceco,” na ayon sa pest control company na CESCO, ay ang kauna-unahan at tanging canine trained sa bansa na kayang maka-detect ng amoy ng pheromones o ang kemikal na inilalabas ng surot.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).