MAHIGIT isanlibo apatnaraang residente ng Barobo, Surigao Del Sur ang bumoto pabor sa paglikha ng bagong barangay sa naturang munisipalidad.
Ayon sa COMELEC, mula sa 2,574 voters sa Barobo, kabuuang 1,434 o 55.71% ng mga residente ang bumoto ng “Yes” upang maratipikahan ang paglikha ng Barangay Guinhalinan, sa plebisitong isinagawa noong Sabado, alinsunod sa Republic Act 11986.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Labing apat lamang o 0.54% naman ang bumoto ng “No.”
Umabot lamang sa 1,459 na mga residente ang bumoto sa plebisito para sa voter turnout na 56.68%.
