BUMAGSAK ng 25.25 percent ang debt service bill ng national government noong Hunyo dahil sa pagbaba ng amortization payments.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba sa 66.08 billion pesos ang debt repayments ng gobyerno noong ika-anim na buwan mula sa P88.4 billion na binayaran noong June 2023.
Malaking bahagi nito o 84.21 percent ng total debt service bill noong Hunyo ay napunta sa pagbabayad ng interest.
Ang debt service ay tumutukoy sa ibinayad ng national government sa mga utang sa loob at labas ng bansa.