PINURI ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang mga atletang pinoy matapos manguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia sa 2024 Paris Olympics.
Nagtapos ang Pilipinas sa Paris Games nang mayroong dalawang gintong medalya mula sa Gymnast na si Carlos Yulo at dalawang bronze medals mula kina Aira Villegas at Nesthy Petecio sa boxing.
ALSO READ:
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
2 Pinoy, sasabak sa 2026 Winter Olympics sa Pebrero
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Itinuturing itong Best-Ever Performance ng bansa sa Olympics, at nahigitan ang nakamit noong 2021 Tokyo Games kung kailan nakapag-uwi ang mga atleta ng isang ginto, dalawang silvers, at isang bronze.
Sinabi ni Tolentino na ang Pilipinas ang best performer sa Southeast Asia at pang-pito sa Asya.
