INAPRUBAHAN ng senado ang pag-amyenda sa legislative calendar nito para mapalawig ang pagdaraos ng sesyon at matutukan ang 2026 National Budget.
Sa binagong calendar of session, sa halip na hanggang December 19 na lang ay extended hanggang December 22 ang sesyon ng senado.
ALSO READ:
Ang adjournment ng sesyon ay mula sa December 23, 2025 hanggang January 25, 2026.
At magre-resume muli ang sesyon sa January 26 hanggang March 20, 2026.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, inaasahang makatutulong ang pagpapalawig sa sesyon para sa pagpasa sa panukalang 2026 National Budget.




