HINDI bababa sa labing apat ang patay, habang mahigit pitumpu ang nasugatan, makaraang bumagsak ang malaking billboard sa kasagsagan ng malakas na ulan, sa Mumbai, India.
Ang nagngangalit na ulan ay sinamahan pa ng malakas na bugso ng hangin dahilan para tumaob ang billboard sa mga kabahayan at isang gasolinahan, sa Ghatkopar.
ALSO READ:
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Kabilang din sa napinsala ang ilang mga nakaparadang sasakyan na nagmistulang mga nayuping lata.
Nagkaroon din ng temporary flight disruptions sa Mumbai Airport, kung saan labinlimang flights ang na-divert.
