HINAMON ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test para pabulaanan ang akusasyon na gumagamit ito at ang unang pamilya ng iligal na droga.
Ginawa ng senadora ang hamon matapos itanggi ng kanyang pamangkin na si House Majority Leader at Ilocos 1st District Rep. Sandro Marcos, ang alegasyon na drug users ang kanilang pamilya.
Sa statement ng kongresista, ang ginawa ng kanyang tiyahin ay hindi asal ng isang tunay na kapatid.
Sagot ni Sen. Imee, gusto ni Sandro na paingayin ang usap-usapan na hindi siya tunay na kapatid, at ang tanging solusyon aniya ay magpapa-dna test siya subalit magpa-hair follicle test ang First Family.




