IDINEKLARA ng Sangguniang Panlalawigan ng Samar ang State of Calamity bunsod ng lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Opong.
Inaprubahan ang resolusyon, upang maibigay ang agarang tugon at kinakailangang tulong ng Local Government Units.
ALSO READ:
Batay sa Report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), as of Sept. 27, 547 mula sa 951 barangays ang apektado ng baha at Landslides na dulot ng malakas na ulan.
Naitala sa 26.3 million pesos ang pinsala sa Fishery habang umabot sa 72.1 million pesos ang pinsala sa agrikultura.
Mahigit 34,000 families o 132,250 individuals ang direktang naapektuhan ng kalamidad, na katumbas ng 16.40 percent na kabuuang populasyon sa lalawigan.