NASUNGKIT nina Dennis Trillo at Piolo Pascual ang National Wins para sa kanilang pagganap sa “Green Bones” at “The Kingdom,” sa 2025 Asian Academy Creative Awards.
Tinanghal si Dennis na Best Actor in a Leading Role habang Best Actor in a Supporting Role si Piolo.
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Kabilang sa iba pang mga nagwagi ay si Jodi Sta. Maria para kanyang pagganap bilang journalist na hinahabol ng mga misteryosong kaluluwa sa pelikulang “Untold” na nagpanalo sa kanya bilang Best Actress in a Leading Role.
Gayundin ang TV Series na “Saving Grace” na pinagbidahan ni Julia Montes na nagwagi ng Best Adaptation of an Existing Format (Scripted) Plum.
Pararangalan sa 2025 Edition ng Asian Academy Creative Awards, ang mga aktor, filmmaker, at creatives mula sa Asia-Pacific Community, na pipiliin mula sa National Winners sa Asian Countries.
Gaganapin ang seremonya sa Capitol Theatre sa Singapore sa Dec. 3 at 4.
