NAG-deploy ang Office of Civil Defense (OCD) Regional Office ng High-Capacity Water Desalination Unit kasama ang Water Tanker sa Biliran upang matugunan ang kakapusan ng malinis at inuming tubig sa mga komunidad na hinagupit ng Bagyong Opong.
Sa tulong ng 546th Engineer Construction Battalion ng Philippine Army, inilagay ang Unit sa sentro ng bayan ng Almeria, na direktang magseserbisyo sa mga apektado ng pamilya at Evacuees.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Sinabi ni OCD Eastern Visayas Regional Director Lord Byron Torrecarion, na kabilang sa lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo ay ang Water System Facilities ng Local Government Units.
Ang Desalination ay isang Equipment na nagko-convert ng tubig-alat o iba pang tubig mula sa Non-Potable Sources upang maging malinis at ligtas na inumin, na mahalagang Lifeline sa Disaster-Affected Communities.
Bukod sa Desalination Equipment, sinimulan din ng OCD, sa pamamagitan ng Logistical Support ng 546th Construction Battalion ang pagde-deliver ng Bottled Water sa Biliran Province bilang karagdagan sa Local Relief Distribution.
