SINUSPINDE ng isang linggo ang In-Person Classes sa Eastern Visayas State University (EVSU) sa Tacloban City.
Bunsod ito ng kumpirmadong kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease na nakaapekto sa mga aktibidad ng mahigit labindalawang libong estudyante.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sa Statement, inihayag ng EVSU na inilipat muna nila ang lahat ng kanilang klase sa Online at Asynchronous Modes simula kahapon, Oct. 6 hanggang 10, para bigyang daan ang Disinfection Process.
Sinimulan na ng State-Run University na may 12,400 Population ang maigting na Disinfection sa mga classroom, opisina, laboratories, restrooms, at iba pang Shared Areas kasunod ng limang kumpirmadong kaso ng HFMD sa kanilang Main Campus.
Ayon sa EVSU, layunin ng kanilang hakbang na maiwasang lumaganap pa ang sakit at upang matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante at staff sa pagbabalik ng In-Person Classes.
Isinara rin ang unibersidad ang kanilang campus store, techno mart, at inatasan ang Non-Teaching personnel na linisin at i-sanitize mabuti ang kanilang mga opisina at workspaces.
Ang unang kumpirmadong kaso ng HMFD ay grade 10 student ng EVSU Secondary Laboratory School na nasa loob ng College Campus na may 87 learners.
