UMABOT na sa 1.372 billion pesos na halaga ng barya ang nai-deposito sa pamamagitan ng Coin Deposit Machines (CODM) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa social media post, inihayag ng Central Bank na ang naturang halaga ay katumbas ng 339.84 million na piraso ng mga barya mula sa 311,858 transactions.
ALSO READ:
Airline companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong flight updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Sa pamamagitan ng CODM Project na inilunsad noong June 2023, pinapayagan ang mga customer na i-deposito ang kanilang mga barya para isalin sa kanilang GCash o Maya Electronic Wallet Accounts, o i-convert sa shopping vouchers.