POSIBLENG tumagal pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago makabalik ang swine population ng Pilipinas sa Pre-African Swine Fever (ASF) Levels, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, na nakikita na nila ang senyales ng recovery sa Local Hog Industry.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Inihayag ni de Mesa na ongoing ang controlled vaccination sa mga baboy at naging maganda ang resulta sa mga lugar na nagkaroon ng bakuna.
Sa ngayon ay naghihintay pa ang DA ng approval mula sa Food and Drug Administration para sa clearance sa commercial rollout ng ASF vaccine ngayong taon, bago ang pagpapatupad ng agresibong repopulation plan upang maibalik ang domestic production sa Pre-ASF Levels pagsapit ng 2028.
