24 June 2025
Calbayog City
Overseas

Suicide bomber, pumatay ng 10 katao sa Army Recruitment Center sa Mogadishu

SAMPU katao ang nasawi makaraang targetin ng suicide bomber ang pila ng kabataang recruits na nagpapatala sa Damanyo Military Base sa Mogadishu, na kabisera ng Somalia.

Ayon sa mga testigo, nakapila ang mga teenager sa gate ng base nang i-detonate ng attacker ang mga eksplosibo.

Sinabi ng isang military captain, na isang rumaragasang tuk-tuk ang huminto at bumaba ang isang lalaki saka tumakbo sa pila at pinasabog ang sarili.

Inihayag naman ng isang medical staff na nasa tatlumpu ang nilapatan nila ng lunas mula sa pagsabog at anim sa mga ito ang agad na binawian ng buhay.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).