24 June 2025
Calbayog City
Provincial

LTO, inisyuhan ng Show Cause Order ang may-ari ng truck na sangkot sa karambola ng mga sasakyan sa Atimonan, Quezon

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order ang may-ari ng truck na nasangkot sa karambola ng mga sasakyan sa Atimonan, Quezon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa report ng LTO, nasawi ang driver ng truck matapos mawalan ng kontrol sa kahabaan ng Maharlika Highway at sumalpok sa dalawa pang truck.

Limang iba pa ang nasugatan sa insidente at isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.

Patungo ang truck sa Bicol, habang ang dalawang iba pa ay pa-Maynila nang mangyari ang insidente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).