MAHIGIT tatlumpung libo katao ang dumagsa sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, para makiisa sa Autism Society Philippines’ (ASP) Angels Walk for Autism 2025.
Isa itong taunang event na nagsusulong ng awareness at inclusion para sa mga indibidwal na nasa spectrum.
Ayon sa ASP, nasa isa punto dalawang milyong Pinoy o isa sa bawat isandaan ang namumuhay nang may autism.
Spotted sa venue ang ilang mga pamilyar na mukha mula sa showbiz, gaya nina Carmina Villaroel, Kai Montinola, Vivoree, Gelli De Belen, Janice De Belen, at Pepe Herrera.