INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig sa Ban sa pag-aangkat ng bigas hanggang sa katapusan ng taon upang makatulong na ma-stabilize ang Farmgate Prices ng palay.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na gagawing pormal ang Extension ng Import Suspension, ngayong Lunes, sa pamamagitan ng paglalabas ng Executive Order.
PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal
Pilipinas at Canada, nilagdaan ang Status of Visiting Forces Agreement
Mahigit 1,000 katao, dinakip bunsod ng iba’t ibang krimen sa paggunita ng Undas
Pangulong Marcos, nakabalik na sa Pilipinas mula sa Apec Summit sa South Korea
Una nang sinuspinde ni Pangulong Marcos ang importasyon ng Regular at Well-Milled Rice sa loob ng dalawang buwan mula Sept. 1 hanggang Oct. 31, sa bisa ng E.O. 93 para masolusyunan ang pagbagsak ng presyo ng palay, bago ang Wet Harvest Season.
Inihayag ng kalihim na inirekomenda niya sa pangulo ang Extension dahil kailangan ito para mapanatili ang suporta sa Local Producers, maging ang Market Stability, at magkaroon ng mas komprehensibong Assessment sa epekto ng naturang polisiya.
