MAHIGIT isanlibo katao ang inaresto bunsod ng iba’t ibang krimen, kasabay ng paggunita ng Undas.
Sa tala ng PNP mula Oct. 31 hanggang Nov. 2, umabot sa 1,163 individuals ang dinakip mula sa kabuuang 1,391 Operations sa buong bansa.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Kabilang sa mga inaresto ang 517 na wanted sa iba’t ibang kasong kriminal.
Inihayag ng PNP na naglunsad din sila ng Anti-Illegal Drug Operations sa nagdaang Long Weekend.
Mula sa 92,894 Law Enforcers na ipinakalat para magbigay ng seguridad sa taunang Undas, 32,317 ay mula sa pnp habang 18,838 naman ay mula sa AFP, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.
Samantala, 41,739 naman ay Force Multipliers, gaya ng mga barangay tanod, radio groups, at Non-Government Organizations.
