Nakatanggap ng sulat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa isang residente ng Calumpit, Bulacan na nagrereklamo dahil sa umano ay mahinang pagkakagawa ng dike sa bayan.
Base sa handwritten na liham ng residente, inireklamo din ang paggamit ng substandard na materyales sa dike, kulang sa wastong pagtambak, at hindi wastong pagtanggal ng mga water lily na nagbabara sa daluyan ng tubig.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Dahil sa kapalpakan sa nasabing dike, sinabi ng residente na nagdudulot ito ng pagbaha na sumisira sa mga bahay at sakahan sa kanilang lugar.
Ayon sa residente, tumatagal sa isa hanggang apat na buwan ang tubig-baha sa kanilang lugar bago tuluyang humupa.
Nananawagan ang naturang residente ng agarang pagkukumpuni at mas maayos na flood control sa kanilang lugar.