NADAGDAGAN ang Reserbang Dolyar ng bansa noong Agosto, bunsod ng tumaas na presyo ng ginto at kinita mula sa investments mula sa ibang bansa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa preliminary data mula sa Central Bank, umakyat sa 105.9 billion dollars ang Gross International Reserves (GIR) ng bansa hanggang noong katapusan ng Agosto.
ALSO READ:
Mas mataas ito ng 0.5 percent kumpara sa 105.4 billion dollars hanggang noong katapusan ng Hulyo.
Ang GIR ay binubuo ng Foreign Exchange, Foreign-Denominated Securities, at Gold Holdings.
Inaasahan naman ng BSP na papalo sa 104 billion dollars ang Reserbang Dolyar ng bansa ngayong 2025 habang 105 billion dollars sa 2026.