ISINUMITE na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng kanilang Initial Audit sa Farm-to-Market (FMR) Road Projects.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, natuklasan sa Audit ng ahensya na pitong FMR Projects sa Davao Occidental ang idineklarang kompleto na pero wala talagang kalsada.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Goitia kay Nartatez: Ang Heneral na Nagpapakumbaba sa Harap ng Diyos
Aniya, ang pitong “Ghost” FMR Projects ay nagkakahalaga ng nasa 105 million pesos na umano’y isinagawa simula 2021 hanggang 2023.
Idinagdag ni De Mesa na tinutukan ng Audit ng DA ang FMR Projects na iniulat na kompleto na pero hindi naman makita.
Bukod kay Pangulong Marcos ay nagbigay din ang DA ng kopya ng Findings ng kanilang Initial Audit sa Department of Public Works and Highways.