HINILING ni Vice President Sara Duterte sa bagong talagang ombudsman na si Jesus Crispin Remulla na rebyuhing mabuti ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng lindol sa Mati City, Davao Oriental, sinabi ni VP Sara na hindi lang dapat silipin ni Remulla ang kanyang SALN.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Aniya, ilagay ito dapat ni Remulla sa harapan nito at pag-aralan ng maayos, at ipagpapasa-diyos na lamang niya ang mga gagawin nito bilang ombudsman.
Ginawa ng bise presidente ang pahayag, kasunod ng anunsyo ni Remulla na isasapubliko nito ang SALNs ng mga opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara.
