NAKAPAGTALA ang Philippine Gaming Industry ng 94.51 billion pesos na Gross Gaming Revenues (GGR) noong third quarter.
Bahagya itong mababa kumpara sa 94.61 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), nanatili ang Electronic Games (E-Games) segment bilang strongest performer, na lumobo ng 14.4% sa 41.95 billion pesos mula sa 35.71 billion pesos noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, na ang paglago ng E-Games ay bunsod ng matatag na pigura noong Hulyo, bagaman bumaba ang revenue noong Agosto at Setyembre kasunod ng mandatory delinking ng E-Wallets mula sa mga lehitimong gaming platforms.




