KABUUANG isandaan pitumpu’t apat na kwalipikadong senior citizens sa Borongan City sa Eastern Samar ang tumanggap ng tig-sampunlibong pisong cash assistance mula sa pamahalaan.
Ayon sa city government, ipinagkaloob ang ayuda sa mga Octogenarians at Nonagenarians, sa pamamagitan ng National Commission for Senior Citizens (NCSC).
ALSO READ:
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng senior citizens na sumapit sa edad na 80 at 85, at 90 at 95, sa pagitan ng March at December 2024 at mula June hanggang September 2025.
Pinangasiwaan ang distribusyon ng mga kinatawan mula sa NCSC Regional Office, sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office at ng Office for Senior Citizens Affairs.
