UMAASA ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na makahihikayat ito ng mga bagong Investment mula sa South Korean Manufacturing and Technology Companies, na nagpahayag ng Interest na mag-operate sa bansa.
Kamakailan ay inimbitahan ng PEZA, kasama ang Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA), ang kabuuang labing anim na kumpanya para sa High-Level Business Forum sa Busan, South Korea.
Karamihan ng mga kumpanya na lumahok sa Forum ay Tier-One at Tier-Two Suppliers ng Samsung Electro-Mechanics (SEMCO) na Technology Manufacturing Unit ng South Korean Conglomerate sa Samsung Group.
Ayon sa PEZA, ang mga nasabing kumpanya ay nagpahayag ng masidhing Interest na palawakin ang kanilang operasyon sa loob ng Ecozone System.
Sa pamamagitan ng Ecozones, pakikinabangan ng Registered Projects ang Fiscal and Non-Fiscal Incentives, Free Flow of Raw Materials, at Open Trade sa mga kumpanyang nasa loob at labas ng Ecozone, at iba pang mga benepisyo.




