Pinag-iingat ni Senator Bong Go ang publiko sa kumakalat na pekeng AI-generated videos na nagsasabing ang Malasakit Centers ay nagbibigay ng P5,000 cash assistance.
Sa nasabing video, mayroong link na ibinibigay kung saan kailangan umanong magpa-rehistro para mapagkalooban ng tulong-pinansyal.
Ayon sa Senador, wala itong katotohanan dahil ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na nagkakaloob ng medical assistance sa mga pasyente sa mga DOH-retained hospitals at sa Philippine General Hospital.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Paalala ni Go huwag i-click ang nasabing link dahil ito ay isang uri ng panloloko.
Sinabi ng senador na hindi dapat basta-basta magtiwala sa mga nakikita online lalo na kung ang impormasyon ay naka-post sa hindi beripikadong source.
