28 April 2025
Calbayog City
Local

Proyekto para sa pagtugon sa klima at kalamidad, tinalakay sa pulong ng Provincial Government ng Samar at Stakeholders

NAGPULONG ang Provincial Government ng Samar at mga Stakeholder para sa proyekto na may kinalaman sa pagtugon sa klima at kalamidad.

Ang naturang pulong na isinagawa sa kapitolyo ay pinangunahan ni Samar Governor Sharee Ann Tan, kung saan tinalakay niya sa mga kinatawan ng Alinea International, Global Affairs Canada, at National Resilience Council, ang partnership ng mga ahensya at ng Provincial Government na mahalaga sa Climate and Disaster Risk Resilience (P4CDRR) Project.

Ang P4CDRR ay isang inisyatibo na idinisenyo upang pag-ibayuhin ang katatagan ng mga komunidad, lalo na sa Disaster-Prone at Vulnerable Areas.

Sa pamamagitan nito ay iba’t ibang aktibidad at technical assistance ang ipagkakaloob sa Provincial Local Government unit at sa mga komunidad upang maging handa, makatugon, mapagaan ang epekto, at makarekober mula sa mga kalamidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *