Nagpatawag ng pulong si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng meeting sa Provincial DOH Officers ng Samar at Northern Samar upang talakayin ang pinakahuling update sa sitwasyon ng dengue sa lungsod.
Kasama sina Dr. Ginalee Romano, Assistant City Health Officer, at Dr. Sandro Daguman, Head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), binigyang diin sa pulong ang mga hakbang ng Calbayog City government upang malabanan ang dengue outbreak.
Ang naturang meeting ay nagsilbing mahalagang platform sa pagbabahagi ng impormasyon, coordinating efforts, at pagbuo ng collaborative strategies para matugunan ang sitwasyon ng dengue.