Nagdagdag ang Public Attorney’s Office (PAO) ng mga abogado sa lahat ng korte sa Eastern Visayas upang tumulong sa mahihirap na kliyente.
Ayon kay PAO Eastern Visayas Head, Atty. Vevelyn Monsanto, mula sa animnapu noong 2014, umaabot na sa isandaan apatnapu’t lima ang mga abogadong naglilingkod ngayon sa mahihirap na kliyente sa rehiyon.
Ang Eastern Visayas ay mayroong isandaan apatnapu’t pitong korte na siniserbisyuhan ng mga abogado na itinalaga sa dalawampu’t pitong district office sa anim na lalawigan.
Simula Enero hanggang Hunyo, humawak ang PAO lawyers ng 9,520 cases, kabilang ang 6,815 na criminal cases.