LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang 6.793 trillion pesos na National Budget para sa 2026.
Sa botong 287-12 with two abstentions, pinagtibay ng mga mambabatas sa Third and Final Reading ang General Appropriations Bill.
ALSO READ:
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
2 pang barko ng BFAR, winater cannon ng China Coast Guard malapit sa Pag-asa Island – PCG
DOJ, hindi pa rin kuntento sa impormasyon mula sa mga Discaya kaugnay ng Flood Control Scandal
Kaso ng Influenza-Like Illnesses, mas mababa ngayong taon – DOH
Ito na ang pinakamalaking Spending Plan sa kasaysayan ng bansa.
Inaprubahan ang House Bill No. 10800 matapos itong harangin sa Second Reading noong Oct. 10, nang i-adopt ng mga mambabatas ang Amendments na nagtatapyas ng 156 million pesos sa 902.8-Million Peso Budget ng Office of the Vice President habang ni-reject ang panukalang ibasura ang 250- Billion Peso Unprogrammed Appropriations.