TINIYAK ng Department of Health (DOH) sa publiko na walang dahilan para mag-panic hinggil sa mga napaulat na kaso ng Influenza-Like Illnesses (ILI) sa bansa, kamakailan.
Sinabi ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na nananatiling mas mababa ang ILI cases ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Aniya, 121,716 cases ang naitala ng DOH simula Enero hanggang Setyembre ngayong 2025, mas mababa ng 8 percent kumpara sa 135,538 cases na nai-record sa kaparehong panahon noong 2024.
Ipinaliwanag din ni Domingo na ang desisyon ng DepEd na suspindihin ang Face-to-Face Classes sa public schools sa buong National Capital Region ngayong Lunes at bukas, ay precautionary measure upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng mga sakit.
Nagpatupad ng Temporary Suspension ang DepEd-NCR upang bigyang daan ang disinfection, sanitation, at building inspections sa mga paaralan.
