HINDI pa rin kuntento ang Department of Justice (DOJ) sa mga impormasyong ibinibigay ng mag-asawang contractors na Curlee at Sarah Discaya kaugnay ng maanomalyang Flood Control Projects.
Gayunman, sinabi ni DOJ Officer-in-Charge Undersecretary Fredderick Vida, na nagtakda na ang kagawaran ng timeline para sa paghahain ng mga kaso, kasama man o hindi ang statements ng mag-asawang Discaya.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Isiniwalat ni Vida na hanggang ngayon ay wala pang isinusumiteng “Tell-All Affidavit” ang Discaya couple.
Halos isang buwan nang bumibisita sa DOJ ang mag-asawa na ikinu-konsiderang protected witnesses, para sa Case Build Up.
Sa Senate Inquiry, nagpahayag ng kahandaan ang mga Discaya na maging state witnesses, kapalit ng pagsisiwalat ng lahat ng kanilang mga nalalaman para makaligtas sa Criminal Liability.
