DALAWA pang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang binomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) malapit sa Pag-asa Island, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa Press Conference, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na batay sa unang Report ay BRP Datu Pagbuaya lamang ang direktang inatake ng CCG 21559, noong linggo ng umaga.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Gayunman, inihayag ni Tarriela na nakatikim din ng water cannon mula sa naturang CCG Ship ang BRP Datu Bankaw, gayundin ang BRP Datu Sanday.
Aniya, sa kabuuan ay tatlong BFAR Vessels ang winater cannon ng CCG 21559, batay impormasyon mula sa BFAR.
Binigyang diin ng PCG official na tanging BRP Datu Pagbuaya ang binangga at nagtamo ng malaking pinsala mula sa ginawang pag-atake ng Chinese Vessel.
