23 December 2025
Calbayog City
National

PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue

ININSPEKSYON ng mga awtoridad ang ilang tindahan ng mga paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan, bago ang pagdiriwang ng holidays.

Nagsagawa ng joint inspection ang PNP at Bulacan Provincial Government sa fireworks capital ng bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya na tiyakin ang kaligtasan ng publiko, sa gitna ng inaasahang pagtaas ng firecracker -related injuries tuwing holidays.

Sinabi ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Nartatez Jr. na nais nilang mabawasan ang panganib na maaring magdulot ng kamatayan, pagkawala ng ari-arian, at firecracker incidents.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).