BUMAGSAK ang halaga ng piso sa ika-siyam na sunod na araw para maitala ang panibagong All-Time Low, kasunod ng mga kontrobersiya sa Infrastructure Spending.
Bumaba ng 23 centavos ang Local Currency sa 59 pesos and 13 centavos is to one dollar sa pagsasara ng palitan kahapon mula sa 58 pesos and 9 centavos kahapon.
Binasag ng bagong All-Time Low ang dating Record na 59 pesos is to one dollar na naitala noong Dec. 19, 2024.
Una nang inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang paggalaw kamakailan ng Market Sentiment, ay bunsod ng patuloy na pag-iral ng katiwalian, partikular sa Flood Control Projects, na ngayon ay iniimbestigahan ng Senado, Kamara, pati na ng Independent Commission for Infrastructure.




