TINIYAK ng Pamahalaan ng Pilipinas ang tulong para sa labing isang Pilipino na nakakulong sa Nigeria dahil sa umano’y “Cyber-Terrorism and Internet Fraud.”
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, kumikilos na ang Philippine Embassy sa kaso ng mga Pinoy na pagkakalooban ng Legal Assistance.
Noong Sabado ay napaulat na kabilang ang mga Pilipino sa labinlimang mga dayuhan na dinakip, kasama ang dalawang Chinese, isang Malaysian, at isang Indonesian.
Bawat isa ay sinentensyahan ng isang taong pagkabilanggo ng Lagos Court at pinagmulta ng one million naira o 630 dollars, matapos silang maghain ng Guilty Plea.
Inakusahan silang nagre-recruit ng kabataang Nigerians para sa Identity Theft.