12 October 2025
Calbayog City
Business

Pilipinas, sinuspinde ang pag-aangkat ng Poultry mula sa Argentina

SINUSPINDE ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng Poultry, Domestic at Wild Birds mula sa Argentina kasunod ng Outbreak ng Bird Flu sa South American Country.

Sa inilabas na Memorandum Order No. 48 ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ipinagbawal ng ang pagpasok sa bansa ng Poultry Meat, Day-Old Chicks, Eggs, at Semen for Artificial Insemination mula sa Latin American Nation.

Ang Import Ban ay kasunod ng pag-detect sa Highly Pathogenic Avian Influenza (H5N1) Bird Flu Subtype sa Northern Region ng Buenos Aires noong Aug. 17.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).