APAT na indibidwal ang nasawi makaraang sumalpok ang isang pampasaherong van sa 10-wheeler truck sa Basey, Samar.
Binawian ng buhay ang mga biktima sa pinangyarihan ng aksidente, sa Barangay San Fernando.
ALSO READ:
May mga nasugatan din na agad dinala sa Basey District Hospital para malapatan ng lunas.
Batay sa imbestigasyon, patungong Tacloban ang van nang bumangga ito sa likuran ng truck na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Sitio Sagpuron.
Sa lakas ng impact, nagtamo ng matinding pinsala ang van na may lulang sampu katao, kabilang ang driver.




