DINEMANDA ng Labor Unions, Faculties at mga estudyante sa University of California ang administrasyon ni US President Donald Trump dahil sa pag-freeze ng Federal Funds at iba pang mga hakbang na anila ay pagpigil sa Academic Freedom.
Layunin ng Lawsuit na inihain sa US District Court for the Northern District of California, na pagbawalan ang pamahalaan na gumamit ng Financial Threats laban sa Education System dahil mapanganib umano ito at labag sa batas.
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Nais din ng mga complainant na maibalik ang Funding na sinuspinde ng Trump Administration para sa University of California na nag-o-operate ng isa sa pinakamalaking Higher-Education systems sa US, na mayroong sampung Main Campuses at mayroong halos 300,000 na mga estudyante, pati na 265,000 Faculty ay iba pang staff.
Iginiit ng Civil Rights Advocates na sinusubukan ng Trump Administration na gawing sunud-sunuran ang mga unibersidad sa Political Agenda nito habang itinuturing ito mga kritiko bilang banta sa Malayang Pamamahayag at Academic Freedom.
