NAGHAIN ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China kasunod ng mapanganib na hakbang ng air force nito sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, inihain ang diplomatic protest noong lunes, at hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.
Sa naunang statement, sinabi ni Daza na nananatiling committed ang Pilipinas sa diplomasya at mapayapang paraan upang maresolba ang gusot, gayundin ang pag-adopt ng bansa sa de-escalatory approach sa tensyon sa West Philippine Sea.
Noong huwebes ay dalawang People’s Liberation Army Air Force Aircraft ang nagsagawa ng “dangerous and provocative actions” laban sa Philippine Air Force Aircraft sa Scarborough Shoal sa pamamagitan ng pagbagsak ng flares sa gitna ng Routine Maritime Patrol sa lugar.