NAGLABAS ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P28.5 Million para sa mahihirap na pamilya sa Eastern Visayas para sa programang idinisenyo upang maibsan ang epekto ng kakapusan ng pagkain at tubig.
Ang naturang halaga ay kumakatawan sa bayad sa tatlunlibo walundaang indibidwal na nakibahagi sa training at pagta-trabaho sa Northern Samar, Eastern Samar, at Southern Leyte sa ilalim ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency Through Nutritious Harvest for the Impoverished).
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Ayon sa DSWD Regional Office sa Eastern Visayas, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P7,500 sa payout activities sa iba’t ibang petsa sa pagitan ng Hulyo at Agosto.
Sa Region 8, saklaw ng proyekto ang dalawampung bayan sa apat na lalawigan.
