INAASAHAN ng malakanyang na dadami ang Foreign Direct Investments matapos matanggal ang Pilipinas mula sa gray list ng Financial Action Task Force (FATF).
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang paglabas ng Pilipinas mula sa FATF grey list ay magpapalakas sa hakbang ng bansa na makahikayat ng job-creating at growth-inducing investments.
ALSO READ:
Grupo ng mga negosyante, humirit na isailalim sa rehabilitasyon ang Calbiga Bridge sa Samar
Pasok sa mga paaralan sa Samar, suspendido dahil sa masamang panahon
Binatilyo na nasa pangangalaga ng ampunan, nalunod sa dagat sa Southern Leyte
DAR, namahagi ng mahigit 2K titulo ng lupa sa Samar at Northern Samar
Aniya, ang seal of good financial housekeeping ay pakikinabangan ng overseas filipinos, dahil sa mas mabilis at mas murang cross-border transactions bunsod ng pag-alis sa patong-patong na compliance barriers.
Idinagdag ni Bersamin na ang tagumpay ng administrasyon sa paglaban sa money laundering ay pangangalagaan at po-protektahan sa pamamagitan ng mahigpit na pagtalima sa global standards.
