TATLONG bus na walang sakay ang pinasabog sa pinaghihinalaang terror attack malapit sa Tel Aviv sa Israel.
Hinigpitan pa ng Israel ang seguridad matapos taniman ng mga bomba ang mga sasakyan sa mga siyudad ng bat Yam at Holon, sa katimugang bahagi ng Financial Center ng bansa.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Ayon sa mga awtoridad, dalawang pagsabog ang naganap sa bat yaman, matapos itanim ang mga eksplosibo sa mga bus na nakaparada sa depot.
Ang ikatlo namang pagsabog ay naiulat sa holon makaraang itanim ang bomba sa ikatlong bus.
Mayroon pang ika-apat na nadiskubreng explosive device sa isa bus subalit hindi na-detonate.
