TUMAAS ang remittances na ipinadala ng mga Pilipino sa ibang bansa noong Oktubre, sa kabila ng bumagal na paglago matapos ang five-month high na naitala noong Setyembre.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 3.171 billion dollars ang cash remittances o perang ipinadaan sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels noong ika-sampung buwan.
ALSO READ:
Mahigit 420K na sasakyan, naibenta sa Pilipinas simula Enero hanggang Nobyembre
Pahayag tungkol sa pagpapadami ng native na baboy, peke ayon sa DA
BSP naglabas ng security tips dahil sa pagdami ng online scams
Insurance Premiums, pumalo sa 17.5 billion pesos sa ika-3 quarter sa gitna ng economic pressure
Mas mataas ito ng tatlong porsyento mula sa 3.07 billion dollars na naitala noong October 2024, at bahagya ring mas mataas kumpara sa 3.121 billion dollars noong Setyembre.
Nananatili ang Amerika bilang biggest source ng Inflows na may 40.3 percent, sumunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, at United Kingdom.
