INAPRUBAHAN ng Amerika ang additional exemptions sa mga produkto ng Pilipinas, gaya ng niyog, pinya, saging, at mangga, mula sa 19% Reciprocal tariff rate ni US President Donald Trump.
Ito ang inanunsyo ni Trade Secretary Cristina Roque at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs at Incoming Finance Secretary Frederick Go, sa press briefing sa Makati City, kahapon.
Sinabi ni Roque na magandang balita ito para sa Pilipinas, dahil karamihan sa Key Agricultural Exports sa US ay kasama sa mga exempted.
Inihayag naman ni Go, na batay sa US Trade Data, ang Latest Tariff-Exempted Agricultural Products ay nagkakahalaga ng mahigit 1 billion dollars na export value, as of 2024. Kabilang sa iba pang agricultural products na hindi na subject sa 19% US tariffs, ay coffee and tea, cocoa and spices, oranges, tomatoes, beef, at ilang fertilizers.




