28 April 2025
Calbayog City
National

Pekeng video ni Pangulong Marcos, pinaiimbestigahan ng DILG sa PNP

INATASAN ni Interior Sec. Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang viral video na nagpapakita ng paggamit umano ng ilegal na droga ni Pangulong Ferdinand Marcos jr.

Ayon kay Abalos, ang nasabing video ay peke at malisyoso.

Iniutos ni Abalos ang pagbuo ng task force para magsagawa ng imbestigasyon.

Sinabi ni Abalos na makikipag-ugnayan din ang pnp sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kumalat ang naturang video sa araw ng State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos. (DDC)

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.