15 February 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 1300 residente ng Eastern Samar, tumanggap ng P9-M na halaga ng cash aid sa pamamagitan ng mga proyekto ng DSWD

NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit siyam na milyong piso sa mga benepisyaryo sa apat na bayan sa Eastern Samar sa pamamagitan ng programa na idinisenyo upang pagaanin ang epekto ng kakulangan sa pagkain at tubig.

Ang naturang halaga ay kumakatawan sa ibinayad sa 1,327 individuals para sa kanilang partisipasyon sa limang araw na training  at labinlimang araw na pagta-trabaho sa mga bayan ng San Policarpio, Oras, Dolores, at Jipapad sa Eastern Samar.

Ito ay nasa ilalim ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 7,500 pesos sa ginanap na payout activities simula July 17 hanggang 19.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).